nung sabado, habang naglalakad kami pauwi galing simbahan ng kapatid kong si sarah, naikwento nya saken na ang kabarkada nyang si aimee ay pinababa sa expressway matapos itong holdpin ng magka-kuchabang driver at isang pasahero… kakaawa nman…
malupit talaga ang kapalaran…
nsa mood ako ng pag-eemote kya bahagyang tumingin ako sa malayo, malalim ang iniisip… pansamantala kong nakalimutan ang ksalukuyang nagaganap…
biglang naging mausok ang paligid… lumabo ang tanawin… parang unti-unti akong tinatangay sa nakaraan… nagdi-dream sequence na pla ako… nu nu ni nu – nu nu ni nu…
~***~
habulan sa baclaran
alas-dyes imedya ng gabi, pauwi ako galing PAL, kun saan ako nagtatrabaho noon. kalahating tulog-kalahating gising, bangag sa kabuuan… naglalakad papuntang gas station ng may nakasalubong akong dalwang mama na edad 25 o higit pa… parehong nakatingin saken… kala ko nman nagagandahan lang sila saken, anu nman ang msama doon? wla nman tiba? kya yumuko na lang ako… pagdaan nila, may isang kamay na biglang humalbot ng bag ko!!!
“wag po koya, wag po…”
nagmamakaawa ako habang nakikipag-higitan sa bag ko. pinandilatan ako ng mga nanlilisik na pulang mata na bitawan ko daw ang bag.
“wag po koya, wag po…”
“bitiwan mu sabi e!!!”
tapos biglang PAAAK!!! sinuntok ako sa brasong may hawak sa bag nung isang lalaking ksama nya. nabitiwan ko ang hawak kong bag at napa-upo sa gutter. tumakbo silang palayo. tumayo ako at hinabol sila habang sumisigaw ng paulit-ulti ng “saklolo magnanakaw!! magnanakaw!!”
wa-poise talaga! sna man lang “help! help!” ang naisigaw ko!! haha! muka siguro akong baliw na nagtatakbo at nagsisisigaw nun sa kalsada sa kalagitnaan ng gabi.
e alam nyo nman kun gano kalakas ang boses ko. nadinig ata sa kalapit na restawran ang mga pagngangangawa ko kya may biglang rumesponde na mga sekyu, nakihabol sila saken. nakita ng mga magnanakaw ang mga baril ng mga sekyu kya hinagis nila ang bag ko. hay salamat!!!
nakaramdam ako ng hapdi sa mga palad at braso ko, puro gasgas, nagdudugo na pla. pagtingin ko sa paligid, ang dami ng tao. san nanggaling ang mga chismosang mga to?! nadinig ko ang mga bulungang:
“nakita ko sinuntok sha, kala ko nga nawalan sha ng malay dahel napahiga sha…”
“nanunuod ako ng tv e nadinig ko may sumisigaw…”
“kala ko kakilala nya ung mga lalaki kya nde ko pinansin”
…haynako, wasever sa kanilang lahat!
nagpasalamat ako ng hanggang langit sa mga sekyu at umuwi akong yakap-yakap ng mahigpit ang bag ko na may lamang celpon na 3310 at 230 pesos sa wallet.
~***~
underwater scene
sa white water rafting sa davao, sabi nun guide, pedi daw kame magpa-drift sa rapids on our own. safe nman daw basta tatandaan nmen ang mga mahahalagang rules na ito:
1) siguraduhing nakahiga sa tubig. wag ibababa ang mga paa dahel tatama ito sa mga bato sa ilalim.
2) hands on the sides palagi. baka kasi matanggal ito pag naipit sa mga bato.
3) kailangang nakaharap sa rapids pra makita ang direkshon. hindi pwedeng ulo ang una.
4) gamitin ang mga paa pra sumipa palayo sa mga malalaking bato na makakasalubong.
5) wag magalaw sa tubig. i-relax ang katawan at magpa-drift ng natural. lalo kang lulubog sa mga alon pag malikot ka.
huwaw, safe na safe nman pala. hinihintay ko na sabihin nyang mag-ingat sa mga pating o kya may asido ang tubig dahel un na lang ang kulang.
o sha, binayaran ko itu kya kelangang sulitin!
nung una masaya pa… nde na mashado mainet ang araw, relaxing magpalutang-lutang habang nakatingin sa bughaw na langit… *this is da layp*
may isang wave na humampas sa muka ko, bahagya akong nasamid dahel nakainom ako ng tubig. ng mapunasan ko na mga mata ko, bumulagta saken ang nangangalit na katubigan… sinilip ko ang mga muka nina angel, ryan at mike sa tabi ko at tulad siguro ng saken, kita ko ang takot sa mga mata nila…
*pokus, dat magpokus ako*
dahel sa malakas na alon at mabilis na pag-agos ng tubig, natangay kaming apat sa ibat-ibang direkshon. may mga tumatama na sa pwet ko na mga malalaking bato sa ilalim. *wag ibaba ang mga paa, baka maputol* nde na ako mashado makakita dahel maalon, malakas din ang hampas ng tubig kya nararamdaman kong parang matatanggal ang helmet ko *panic na! waaaaah!* sumigaw si ryan ng “bato!!! bato!!!” at sakto pagkakita ko, may malaking bato sa daraanan ko kya ubod lakas kong sinipa ang bato pra lumayo ako dito. dahel sa pagsipa ko ay umikot ako at nauuna na ngaun ang ulo ko, nde ko makita kun saan ako papunta AYAAAAAW KO NAAAAA!!! nagkakakampay ako pra makaikot. takot na takot na talaga ako nun. buti na lang sa di kalayuan, nakita ko si mike!
“mike!!! mike!!!”
lahat ng natitira kong lakas ginamit ko pra makalapit sa kanya. pula na mga mata nya at mukang natatakot na din sha. pag lapit ko sa kanya, bigla shang humawak sa ulo ko! tinuunan nya ito at parang nilulunod nya ako! nagkakakawag ako sa ilalim. hinahampas ko ang mga kamay nya na nakapatong sa ulo ko pra bitawan nya ako. naramdaman ko na may mga paang umaakyat sa likod ko. unti-unti na akong nauubusan ng hininga! gusto kong lumayo sa kanya pro nde ako maka-alpas. *katapusan ko na ito* nag-flashback na sakin ang mga nangyari sa buhay ko mula pagkabata… unti-unti ng nagdidilim ang paningin ko…
may humatak sa mga braso ko, nagkaron ng liwanag at nakahinga ako muli… niligtas ako ng guide namin! nakahiga ako sa raft, walang katapusan ang pag-ubo dahel sa ilang galon ng tubig na nainom ko (na naging dahilan pra mag-diarrhea ako ng dalwang araw!). ganun din si mike sa tabi ko, sori ng sori saken dahel daw nalulunod na daw sha nun at nde nya daw alam ang ginagawa nya. alam ko nman na hindi nya sinasadya, natatawa nga ako pag naaalala ko, pro simula noon, ginagamit ko ang pangyayaring ito pra i-blackmail sha hahaha!
in the end, andun kaming apat, muntik ng malunod at mabagok, masakit ang pwet dahel sa mga bato at puro pasa sa hita at braso.
SULIT!!!!
ang saya!!! ulitin naten! HAHAHAHA!
~***~
haynako, dae ko pa gus2 wento pro 11:30 na! tulog na ako at OT na nman etong buong lingo…
babush!