ang matinding paghihiganti

aminin mo na kapag masama ang loob mo (nde ung simpleng pacute na tampu-pot, un tipong badtrip-to-hongkong ka) …o kaya namn sobra kang malungkot (gus2 mu ng magpalamon sa lupa) e naghahanap ka ng sakit ng katawan… you need more pain kumbaga!

halimbawa:

(this is a really, really, really, ramdom example na imbento lan at wlang pinagbasihan na buhay ng ibang tao)
may nalaman kang bagay na nakaka-hurt talaga layk siguro may siyota na pla ang crush mu (buti sna kun gf, panu kun may boyfriend. vading-ger-z pla. aray)… nde ka pa titigil dun – kelangan mung malaman kun sinu sha, kun kelan sila nagkikita, kun gano nila kamahal ang isat-isa at kun anu-ano pang impormashon na unti-unting lalason sa utak at consequently e papatay sau. nde ka pa nakuntento, makikinig ka pa sa mga sappy love songs about heart aches and goodbyes pra feel na feel mu ang pag-eemote. ipagdadasal mu pang umulan pra crying in d rain ang drama at sasadyaing madapa sa putikan pra talagang ramdam na ramdam mu na ikaw ay aping-api. ayaw mung makipag-usap sa iba pra lalong ma-emphasize ang I’m-gonna-be-lonely-for-the-rest-of-my-layp pa-epek mu. gus2 mu nun e, kc pag sobrang sakit na, magiging numb na ang kamalayan mu… at voila – ala ka ng mararamdaman… *tanga*

so anu ngaun? eto…

pag galit ka at nde ka makaganti sa bagay na kinaiinisan mu… edi mag-inflict ka na lan ng pain. kaninu pa, kundi sa sarili mu *shet, kakatakot ba?* pro wag mabahala… eto ang mga safe at cool ways pra maghiganti sa sarili… *actually walang sense, gus2 ko lan i-connect ang content netong mga pinagsususulat ko sa title, catchy kc weh*

ang karamihan – tumotoma pra mawalan ng kamalayan sa mundo, gustong mahilo o masuka pra lang makalimot… ung iba nman nagpapakamatay (haha, mashado nman! tandaan na kinokomdemna ni suzie (ang idol mo) ang kahit na anong pamamaraan ng pagkitil ng sariling buhay. Kids, do not try this your house)… pro cge, kun takot ka sa dugo (pro nde sa dinuguan) at ayaw mung maging sadako balang araw (kasi tiba un mga nananakot na yan e ung mga namatay ng karumaldumal) edi ang ibang option mu maliban sa suicide ay ang mag-hibernate. ibg sbhin, nde ka mshado makikihalubilo sa ibang tao na pra bang nde ka na din nag-eexist. nde ito mahirap sa ibang tao dahel marami nman talagang nde katulad namin na sikat – mawala man sila sa sirkulashon, wlang makakapansin.

pro dahel sa allergic kame ng mga prends ko sa beer at nde namin kaya magsumiksik sa lime light (dahel hinahatak kami ng spotlight) ay naisipan na lan namin na humanap ng makabuluhan, abot-kaya at garantisadong sakit sa katawan – ang rafting!

“down ako, alis tayo” – angel
“taralets” – ako, mike, roynel

kanya-kanya kami ng dahilan. nde kami nag-usap kun ano. nde kc kami un ma-open forum na tipo ng prends. kami un mga kenkoy-kornits ng barkada namin – mahiret, maingay, galawgaw. pero naisep ko na itu ang malamang na mga dahilan namin:

Figure 1.0 Talaan ng mga Ka-echosan sa Buhay
name sentimyento
angel nde pa rin nakakapag-resign magpahanggang ngaun at aabutin na nman sha ng Christmas party kun saan paborito shang bigyan ng mga nakakahiyang roles sa production number ng group nila
suzie nagsi-selfpity dahel mag-isang magna-nite shift sa december at nde nman maaaring umangal
mike wlang ibang friends na fuedi maka-gimik
roynel all of the above


boracay kami napadpad, sosi tiba? dun magandang mag-unwind at matahimik na tumunganga sa sunset habang nakahiga sa maputing halos pulbos na sand. pro sakit nga ng katawan at nde pagrerelax ang habol namin kya rafting talaga ang pinunterya namin dun.

oo may rafting dun, nde nga lan mashadong sikat. bka kc wla pang bumabalik ng buhay kya wlang nakakapagkwento o kya nman 1st taym pa lang gagawin un rafting dun at kami ang napiling mga guinea pigs dahel muka nman daw kaming mga salot ng lipunan at ok lan kun mai-sakripisho ang mga pathetic lives namen alang-ala sa ikauunlad ng turismo.

wasever, wla kaming paki.

malas. sabi ng organizers dun, nde daw posible ang magrafting dahil mababaw mashado ang tubig at nde umulan nung huling mga araw… PERO fuedi daw kami mag-kayak!

whitewater kayaking

a sport of paddling a kayak on a moving body of water, typically a river that can range from a fun, carefree, splishy-splash float trip to a challenging, adrenaline-filled sport. (shempre ang target is un “challenging – adrenaline filled” na part)

mas nakakatakot itu kesa sa rafting dahel:
1) ikaw lan mag-isa, walang coach kun panu mu kokontrolin ang raft, wala kang ibang peding sisihin pag namatay ka
2) mabigat at gawa sa plastik ang raft, masakit pag natamaan/naipit/nabagok ka nun
3) abala ang bawat isa sa pagsasagip ng sarili nilang buhay, deadma sila sau kahet na nakakaladkad ka na sa kahabaan ng ilog
4) isa lang ang ksama namin na marunong.(agawan kami sa atenshon ña)
5) tatlo lan daw ang life vest, may isang matapang sa amin na kailangang magsakripisho ng buhay

haha! totoo, walang halong biro!!! e si angel lan ang mejo marunong lumangoy kya sha na lan ang nde binigyan ng vest – ayos

sa olrayt noh? pero buti na lang at kumpleto nman ang helmet.haha!

sa simula, ako ang naging teacher’s pet sa rafting. shempre, ako lang kasi ang babae. pero un nga ang ayaw ko. nde ko gus2 na bigyan ako ng special attention dahel ayaw kong maging pabigat sa kahit sino. tho wala na sigurong mas magalang at maaalahanin pa sa prends kesa kena angel, bakashon kc un, lahat kame gus2 relaxed, ayaw ko na magiging abala pa sila saken, ayaw ko i-take advantage ang kabaitan nila. kaya un dala ko na bagahe sinugarado ko na kaya ko at never akong magpapatulong magpabuhat sa kanila. ung mga tasks/activities kahet nahihirapan ako nde ako nagrereklamo. gus2 ko makipagtapatan sa kanila.

ang galing-galing ko nun una. ako lang ang nakakasunod sa guide. sigaw-sigaw pa ako sa tuwa habang lumilipad ang kayak ko nun sumalpak ito sa bato at perfect ang landing pagbagsak sa tubig. sina mike/angel/roynel e tumataob sa halos lahat ng kanto, bato at kahit na maliit lan na agos na madaanan. mga lampa! kita ko na mga nakasimangot na sila.

masaya at kalmado akong naglalakbay sa ilog ng dahan-dahang tumagilid ang raft ko… tapos hazy na ang mga sumunod na pangyayari:

dumilim -> nsa ilalim na pla ako ng raft ko -> *glog glog glog glog* nakainom ako ng 2big -> tinatangay na ako at ang raft na nakataklob sa ulo ko ng umaagos na ilog -> aray! gumagasgas ang mga hita ko sa mga bato sa ilalim -> tinulak ko paitaas ang kayak ko *ayan, maliwanag na ulet!* -> kumapit ako sa bato -> ARAAAAY! naipit ang kamay ko sa pagitan ng bato at ng bumanggang malaking plastik na kayak -> pinilit kong tumayo habang pinipigil ang kayak ko. mahirap kasi dahil dumadagdag pa ang weight ng kayak sa lakas ng alon. siguro nman wala ng pedi pang mangyaring mas malala sa sitwashon ko ngaun noh?!!!

pro bilang sagot sa tanong ko, natanaw ko sa malayo ang parating na si angel, ang kanyang kayak ay mukang may sariling buhay at nde sumusunod sa gus2 nyang mangyari. ilang segundo na lang, nakikinita-kinita ko na ang malaki nyang kayak na babagok sa ulo ko.

matalik kong kaibigan si angel, parang kapatid na matandang-matanda at saksakan ng panget ang turing ko sa kanya. alam ko na nde nya gugustuhin na mapahamak ako at ganun nman din ako sa kanya. pro nun mga oras na un, wala na sa mga kamay nya ang maaaring mangyari. naiintindihan kong kun mapatay nya ako e nde nya sinasadya dahel pare-pareho nman kaming nde marunong magkayak.

3-2-1 (this is it) PAAAK! sumalpak, pumaibabaw at pumatong ang kayak ni angel sa kayak ko. nalaglag sha at nagkukumawag na tumayo sa tubig. ako nman aun, nakabara sa gitna ng ilog, sinusubukang harangin/pigilan ang dalwang magkapatong na kayak, si angel at ang malakas na agos na tumutulak saming lahat palayo sa ilog. nauubusan na ako ng lakas, gus2 ko ng sumuko sa laban ng buhay. sa di kalayuan, paparating na si mike… *sna himatayin na ako pra nde ko maramdaman ang mga susunod na pangyayari*

nde ko matandaan kun pano kami nakaalis sa sitwashon na un, basta ang naaalala ko e simula nun ay nawalan na ako ng tiwala sa sarili ko at wala akong ibang iniisip kundi “HINDI AKO PWEDENG MAHULOG ULIT DAHEL IKAMAMATAY KO”. so naturally, sa sobrang kaba, wla ng ibang nangyaring maganda matapos nun kundi panay hulog at kalad-kad sa mga bato ang napala ko.

nakita ko sa malayo ang tatahakin kong mala-hinagdang-palayan na rock formations kung saan kasalukuyang nilalampaso ng rumaragasang ilog si mike, faced-down habang tangan ang paddle sa kanang kamay at nakahawak sa kayak sa unahan nya. na-iimagine ko ang kanyang muka at katawan na gumagasgas at tumatama sa bawat bato sa ilalim. natulala ako at matahimik na nasambit sa sarili ang “paalam mike, nde kita malilimutan” (hahaha! juiceko, para kasing katapusan na talaga ni mike nun e!)

may dugong gabriella silang ako – independent, smart at ubod ng ganda… pro nde ako tanga… ni nde ko susubukan un gorge of death na un! madami pa akong pangarap sa buhay, may pinapag-aral na kapatid at ng-uumapaw sa appeal – sayang nman lahat ng un.

pinilit kong pumunta sa pangpang at naglakad na lang, hinayaan kong agusin ng ilog ang kayak ko. pagdating ko sa finish line, walang katapusan ang pang-aasar saken nina angel dahel nde ko natapos ang kayak run – na may limitations daw ang pagkababae ko dahel naduwag ako… na re-reevaluate na dw nila ang membership ko sa barkadahan namin dahel natuklasan nila na duwag ako

ngumiti lan ako. ok lang kun nde ko natapos, nde kasi ako naiingit sa malaking duguang bukol ni angel sa hita na tila pangalawa nyang tuhod… o sa galos ni mike na nagsimula sa balikat at gumuhit sa kabuuan ng braso nya (nde na makausap si mike nun point na un, kala nya ata kaluluwa na lan sha at pumanaw sha dun sa gorge)

Figure 2.0 Talaan ng mga Galos at Sugat
name tuhod braso likod paa comments
angel malaking putok
na bukol
gasgas gasgas din sugat-sugat tatlong beses kasi bumangga sa bato ang bukol ni angel kya pumutok na itu
suzie may sugat,
mahapdi
gasgas gasgas din gasgas ulet nun naipit sa bato ang mga kamay ko, nwalan sha ng pakiramdam ng ilang segundo nde ko maigalaw mga daliri ko kala ko comatosed na kamay ko
mike galos-galos gasgas gasgas din gasgas 2x basta gasgas ang buong harapan ng katawan nya kasi nga nakataob shang nahagip paibaba ng ilog. kakatawa lang kc ayaw pa nya bumitaw sa paddle at sa kayak e un ang naging mitsa ng sakuna ña haha!
roy onting gasgas wala wala wala alam ñu ba ung kasabihan 2ngkol sa masasamang damo??? un lang ang paliwanag na naiisep ko d2 kun bakit ala mashadong sugat si roy


hindi ko na uulitin un – tapos! hoy angel, kun talagang may suicidal tendency ka wag mu na kami idamay pa. palibhasa we have a life, ikaw u hav nothing to lose. haha! ayan, sana madami kau natutunan sa salaysay ko… *bow*

hanggang ako nakasalubong kita

hanggang ako nakasalubong kita (til i met you)

~***~

babala: ang mga nakasulat dito ay pawang sentimental, madrama at mushy. pasintabi sa mga kasalukuyang kumakain. inirerekomenda na huwag ng ipagpatuloy ang pagbabasa nito kun ikaw ay isa sa mga sumusunod:

1) kinokondena ang mga happy endings at kinasusuklaman ang anumang uri ng love story.
2) ipinanganak na walang puso. atay at balun-balunan lamang ang nikokonsiderang internal organs.
3) nanghu-husgang retarded/abnoy ang mga taong naniniwala sa love, destiny at soulmate.
4) nde pa napapanuod sa sinehan ang til I met you at wlang pag-aalinlangan na isa-salvage ang taong magbibigay ng spoilers at magsasabi ng ending ng pelikula
5) nakapwesto sa cubicle na malapit sa managers at nagkataong opis hours ngaun (sira ka pla e, baka mahuli ka at maging dahilan pa un pra mai-block ang site ko!!!)

~***~

ang orihinal na plano ay 1st day high ang papanoorin namin ni lorraine (sosi high ako at shempre rebel high si lorraine). nagmamadali pa naman kaming maka-abot sa schedule nun nung byernes sa megamall tapos nde na pla showing (na-late kami dahel nagkatampuhan mode pa si vic dahel nde daw namin sha ni-aya samantalan may batanggas overnight sha ng gabing un. ewan, kabuwanan nya ata at nagiging moody! haha!).

twilight zone talaga dahel nun nihanap namin kun saang cinema ang 1st day high e wla ni bakas dun sa listahan! gulong-gulo ang pag-iisip namin ni lorraine kun baket ganun ang nangyari. nanlambot ang mga tuhod namin at kinailangan pang humawak sa pader pra nde kami matumba. nung nahimasmasan kami at nakapg-ipon na ng sapat na lakas ay naisipan naming magtanong sa mapagkakatiwalan at siguradong walang mintis na nakakaalam ng lahat-lahat ng bagay sa mundo, both evil and benign… lumapit kami ke manong guard… “boss, boss, boss…” (ganyan dapat makipag-usap para may paggalang) “…wala na pong 1st day high?” at tulad ng aming inaasahan, nasagot ni manong ang aming problema “wala na, kahapon ang last day. the barnyard, ung cartoon, ang pinalit.”

o sha, sa madaling salita ay si regine retokada at robin sanggano ang nipanuod namen. kahet na may nakaka-asar-sa-sobrang-ka-OA-an factor si regine (nagsalita ang nde OA.haha) ay keri nman sha ng magandang storya ng pelikula.

ang kwento
fiancée ni eddie garcia si regine pro as expected e kayamanan lang ang gus2 nya sa matanda. si binoy hinala sa agenda ni babae sa amo nyang si eddie garcia kya ni-imbistigahan nya at ofcourse na-fall truly, madly, deeply inlove sha in the process.

eto ang mga issues na nakita ko sa panunuod namin nun muvi at ang mga opinion ko sa mga itu. (o diba sinabi ko nman na inetlihente akong manunuod?).

ang kahalagahan ng mayaman na boypren
siguro nga any smart girl would want a rich guy. pero most of the time, rich men are boring, wala mashadong alam sa mundo at kulang sa mga pan-taong emoshon (bawal tumawa ng malakas, umiyak ng sobra at magalet ng todo kc dapat refined lagi). Hehe, sensha na kung racist sa mga mayayaman pro baket, ako ba ang may ksalanan kun bat ganun ang paniniwala ko? e madae kc akong kilalang genyan. pro para nde nman magalet sakin ang mga yaming e sasabihin ko na lan na “nde nman lahat ay ganun” pra safe hehehe. pro karaniwan, sa mga storya, pansin nyu ba na never pinipili ng girl ung mayaman na sobrang bait na nga at sobrang matalino pa over another guy na mahirap lang? (usually, mga tonton guterrez muvis yan haha). at oo, tama ang hula mo dahel sa huli, pinili din ni regine ang katiwala ng mga kabayo na si robin over sa may-ari ng hacienda.

kelangan pahirapan ang guy
opkors, agree ako na every girl deserves to experience a real/serious courtship (oo na, manang na kung manang!). pero pra paghintayin ang guy sa labas ng bahay for 100 days is OA na noh! un kc ang advise ni regine ke jacky rice na ipagawa nya sa manliligaw nya pra malaman kung talagang seryoso ung guy. e kun nde pa nman seryoso un guy after nya magawa un ewan ko na lan! pro pano kun after gawin un ng guy ay na-realize ni jacky na nde nya pala talaga gus2 un? hala lagot. hehe. e san ban man kasing lupalop napulot ang ganyang konsepto noh? nagpapaka-creative kc mashado! hehe. pro aminin nyo, in the end, nde din sila maa-assure na forever na talaga sila. pro wag ka ngang nega!

ang dream girl
na-luv at 1st sight si robin ke regine kc muka shang mahinhin at mayaman at maganda. pro nun biglang kinagat at nilunok ni regine ang isang buong paa ng manok (adidas) e napailing sha “ok sana pero kumakain ng kuko…” hehe. i know, lahat tau may kanya-kanyang specs at requirements at blue prints ng taong gus2 naten, pro usually, ung mga model sa isip naten ay nde tao, mashadong perpekto at nde nag-eexist… tekaaaaaaaa, e bat ako nsakin na ang lahat?! haha!

wait patiently for “the one” (nde si keanu reeves, korni mo ah, boset!)
eto un part na naiyak ako (naiyak din ako sa shrek 1 and 2 at muntik na akong mag-emotional breakdown nun napanuod ko ang titanic.haha) kc naghintay pa si robin na mamatay si eddie garcia after 3 yrs bago sha nakipag-balikan ke regine, respect sa amo nya na para na din nyang ama. o diba nman ang tyaga! pero sulet kc nun namatay si eddie e pinamana ke robin ang buong hacienda – so nakuha din ni regine ang gus2 nya plus the man she loves. ngak! obviously nga pelikula lang itu hahaha!

bumili ng wow magic sing at mag-smart padala
uso ata na magsinget-singet lagi ng commercials sa pelikula (una akong nakita ang gantong concept sa fung shui ni kris aquino – wag mu sabihing nde ka nanuod nun?!) dahel tadtad ng mga produkto nina regine at robin ang muvi. pro nakakatawa nman rather than nakakaines lalo na ng nakita ko ang malaking mascot na tarsier na naisep ko kahawig ni regine hehe.

lasing monologues

nde ko alam kun bakit may pagka-humaling (ang term na gagamitin ko sana ay pagka-“hayok” dahel ang ibig sabihin nman talaga nun ay “weak with hunger”. pro nun sinabi saken na generally “hunger of the flesh” ang nipe-pertain nya e sabi ko wag na lang…pagka- “humaling” na lang ang gagamitin ko ehehehe. wholesome tau duh!)

 
ulet direk.

 
nde ko alam kun bakit may pagka-humaling ang mga tao sa beer. nde nman masarap kundi mapait. nakakahilo pa. nakakasuka. nakakalaki ng tyan. nakakadilaw ng ngipin. nakakasira ng atay. mabaho ang amoy. (pakibaba ang kilay ng mga lasengo na bumabasa neto. buhay ko to)
ska bat pa magpapaka-hirap sa pag-toma e mas masaya kaya manuod at maaliw sa mga taong halos wla na sa sarili dahel sa kalasingan? Ahehehe… kun meron mang silent agreement ang samahan ng mga sunog-baga sa mundo na bawal ipagkalat ang anumang naganap o napag-usapan sa loob ng inuman sessions ay sori na lan dahel nde ako covered nun dahel nde nman ako umiinom. immune ako. kaya keri ko na magkwento ng mga bagay-bagay… inom-inom kau na para bang walang bukas tas hiya-hiya kau pag may nagawa kaung nakakahiya pagkatapos. hanobayun?! haha! (pro kun iisipin, either un nga – may code of sworn secrecy o nde lan talaga nila maalala ang mga ginawa nila dahel sa sobrang intoxicated sila nun mga oras na un kaya nde din nila mapagkwentuhan after)

 
kaya ako na lang ang maglalahad ng mga pangyayari… ako at si lorraine na nanatili sa tamang pag-iisip nung buong gabi… nde alintana ang mga naka-ambang panganib at pagsubok… eto ang kwento ng masalimuot na gabing yaon….

 
alas-diyes imedya nagla-lap dance na si vic sa upuan. tinanggal na ang t-shirt na basang-basa ng pawis at todo emote sa pagpapa-ikot nito sa ulunan nya na para bang rodeo rope. sinayawan na din nya ang lahat ng mwebles sa sala (i.e. lamp shade, tv, coffee table, sala set, etc) maging ang mga halaman sa paso at ang nananahimik na kurtinang nakasabit sa may bintana ay walang kawala. taimtim kaming nanonood sa kanya dahel nakaharang sha sa bideoke. no choice. pero nde sha lasing. nahihilo lang daw.

 
ang katabi kong si rome ay nagmamakaawa ng tapusin ko na ang buhay nya sa mga oras ding yon dahel sa nasasaksihan nyang performance ni vic. nde na daw nya kaya ang mga nagaganap. nde namin sha pinansin. bka in-denial lang sha dahel tumutungga ng vodka na walang chaser ang mokong.

 
sa isang sulok – sa lover’s lane – ay nakapila ang mga tambalang: eric-jen, vhon-maui at arvin-mk. pinakiusapan silang wag gumawa ng anumang makaka-walang respeto sa pagkain na nsa mesa malapit sa kanila dahel kakainin pa ang mga yon sa umaga. “if a picture paints a thousand words, then why can’t I paint you?” biglang birit ng isang dalaga sa bideoke… ng tinitigan namin kun sino… si vhon pla… falsetto ang walah!

 
sa kasagsagan ng gabi, mahigpit na ipinagbawal na magsindi ng sigarilyo sa loob ng kwarto at baka magliyab na lang isa-isa ang mga tao sa dami ng ga-as na nainom nila.

 
ang nagpipiling-feelingan na rockstar na si jonar ay walang kapaguran sa kakangawa sa mikropono – nde pansin ang basang-basang t-shirt ni vic na napadpad sa bunbunan nya matapos na i-paghagisan at pagpasa-pasahan ito ng mga tao sa sala. bagamat namaos-maos na sha sa kaka-sigaw ay wla nmang nakaintindi ni-isa sa mga kinakanta nya dahel ang nadidinig lang nmin ay puro “ña-ña-ña-ña-ña…” (bulol hehe)

 
Suzie: “oie robert, bali para magkasha tau lahat memya sa kama, pa-halang na lang ang pag-tulog ha, kahit lampas na lang ung paanan naten basta ung ulo na lang ung sa may kurtina…
Robert: “pero suzie, basa ang carpet sa kwarto… kahet tingnan mu pa… kapain mo pa.”
Suzie: “hindi nga sa carpet, pagkakashahin nga sa kama kaya kelangan pahalang ung pag-higa naten nina Rome at Lorraine…”
Robert: “tanggalin mo sapatos mo tas makikita mo nga na basa ung carpet!”
Suzie: “hindi nga sa carpet kundi sa kama matutulog!”
Robert: “halika tingnan naten, basa nga sabi e!”
***gusto ko na sanang hampasin ng bote ng beer sa ulo o kaya busan ng isang balde ng malamig na tubig (galing sa kanal) si robert pra mawala ang amats nya pro tinamad ako kaya hinayaan ko na lang sha sa kanyang sariling mundo kun saan sha lang ang nakakaintindi sa sarili nya***

 
wlang alinlangan na papansin at epal etong si lorraine dahel nagpupumilet ba nmang umuwi ng ala-una ng umaga! sinabi ng gabi na at wala pang kuryente sa buong kamaynilaan, naglalaglagan at sumasabog na lahat ng billboards sa kalsada dahil sa lakas ng hangin tapos baka magdeclare pa ng martial law dahel nga brownout (panic na itu) tas nagpupumilet pa shang umuwi. ki-re talaga! kaya pinaki-usapan ko ang kasalukuyang lulutang-lutang ang pag-iisip na si rome pra kumbinsihin si lorraine na wag ng umuwi. doon na nagsimula ang mahigit-kumulang na limang dekada ng masinsinang pakikipag-diagolo, matinding pakikipag-patintero at makapag-damdaming drama-rama ng dalwa sa kwarto, sa sala, sa kusina at sa lahat na siguro ng sulok at kanto ng apartment. walang pasubali, bigla na lang tumakbo si lorraine palabas ng bahay ng walang pasabi para lang maka-alpas sa bitag ng makulit na lahi ni rome.

 
suzie paki-usap, wag mu payagan umuwi si lorraine! wag… Wag… WAG…” mangiyak-ngiyak si rome habang hinahabol namin pababa ng hagdanan si lorraine.

 
ang ending –> nakauwi din si lorraine. kinailangang igapos si rome sa puno, talian ng panyo sa bibig at painumin ng lysol (oa na) pra maisagawa itu…

 
parang binagsakan-ng-langit/lupa/impyerno/galaktika/milky way ang muka ni rome pagbalik sa apartment dahel nde sha nagtagumpay sa pagkumbinsi kay lorraine na wag ng umalis kya naisipan nyang yayain kami ni mk na ipagpatuloy ang inuman. pinanuod ko lang ang dalwang lasenggong nagtatalo hanggang umaga tungkol sa kung anumang makabuluhang bagay (na nde ko maikwento dahel tungkol sa work – think secure!). dahel sa inaantok na ako, ang naintindihan ko lang ay ang mga katagang makailang beses binigkas ni rome na punong-puno ng conviction ang kanyang mapulang muka “basta ang hiling ko lang sa inyo ay magtulong-tulong tayo… un lang… un lang please…un lang ang kailangan naten…

 
mahabagin ang langit at natapos din ang diskushon ng dalwa. habang nagtu-tutbras ako may isang mahiwagang tinig na umalingaw-ngaw sa kamalayan ko “basta ang hiling ko lang sa inyo ay magtulong-tulong tayo… un lang… un lang please…un lang ang kailangan naten…” NGEEE!!! Si rome pla buhay pa… pilit sumisingit sa lababo habang nagtutubras ako….

 
basta ang hiling ko lang sa inyo ay magtulong-tulong tayo… un lang… un lang please…un lang ang kailangan naten…” habang naghihilamos ako….

 
basta ang hiling ko lang sa inyo ay magtulong-tulong tayo… un lang… un lang please…un lang ang kailangan naten…” sa ilalim ng kumot nung akala ko na matutulog na kameng lahat… nde pa pala…

 
basta ang hiling ko lang sa inyo ay magtulong-tulong tayo… un lang… un lang please…un lang ang kailangan naten…” mahinang bulong sa kalagitnaan ng mga panaginip ko…

 
Zzzzzzzzzzzzz…

“luklukan sa luwag…”

dahil sa heartbroken si vic, may topak si lorraine, nsa leprosy ward si klark (exagge, ngpa-annual chk-up lan sha, OOO) at ako nman ay stressed-out sa trabaho… nagpasha kaming manuod ng sine… relax-relax…ang balak sna namin panoorin ay ang inosenteng muvi na Step Up na isang inspiring story tungkol sa passion sa pagsayaw-sayaw pro dahel late kami nakapunta (ksalanan ni vic dahel ang dae pa nyang ka-echosan bago umalis) ay nde na namin naabutan ang timeslot nya… ng biglang nagpapansin ang isang malaki, makulay at mapang-akit na poster ke lorraine. excited na excited nyang itinuro samen ang pelikulang….
 
Twilight Dancersmukang tungkol din nman sa mga pagsayaw-sayaw tiba? and yes, may element of passion pa din nman noh? Hahaha! kya napagkasunduan namin na eto na lang ang panoorin.  wag nyo akong husgahan! mature at edukada akong tao. kayo ang makakati ang isip. nanonood talaga ako ng mga indie films na tulad neto. napanuod ko ang pinoy blonde, penguin-penguin pano ka ginawa, pagkakagising sa kamulatan, nasaan si francis at kung ano-ano pa na art films. kumbaga, mga pang-matalino at intelektwal na mga tao na tulad ko. ang main concern ko d2 ay dahel sabi sa poster, ksama sa
Toronto film awards ang muvi na itu kya pumayag ako panoorin. for the sake of arts kumbaga. un lang. *explain 2 death*
 

ngaun, kung ano ang excuse ni
lorraine at vic, un ang nde ko alam. obvious nman sa paguugali ng mga un kun ano ang habol nila tiba? hahaha! at pagkalakas-lakas pang pumalakpak at humiyaw ng dalwa pag nagsasayaw-sayaw na ang mga bidang voylets! samantalang kpag drama-rama na o kya may mga political issues na nipo-portray na sa scenes ay nde na sila nakikinig. mabubuhayan na lang sila bigla pag puro naka-brief na ang nsa eksena.       
  basta ang kwento ay tungkol sa mga lalakeng nagtatrabaho sa call centers… in short, call boys… marami kaming mga napulot na aral sa muvi na itu tulad ng family as the basic unit of society, books b4 boys at be cool, stay in school.  bakit ganun ang title ng blog ko??? panuorin nyo na lan ang muvi pra malaman ñu… hehehe

opis sportsfest

ayaw ko sa sports. nun grade4 kc ako, may intrams sa skul namin at ako ang last shot na nagpatalo sa volleyball team namin. pagkatapos ng tira ko na outside (tumama ang bola sa labas ng court) dinig ko ang mga ungol ng teammates ko. at shempre, galit sila saken lahat. nde ako pinapansin at naka-angil pa pag napapadaan ako sa corridor. pro grade 4 pa kame nun. move on. haha!

ayaw ko talaga sa sports. pero nde ako tatangi kun kukunin akong muse o kaya cheerleader haha!

so sa sportsfest sa opis nung sabado ay sa cheering ako sumali. taga-sigaw haha! late na kami nakarating sa club650 sa libis kaya wla na kaming libreng t-shirt. color red na lan ang sobra e pro blue team ako kya nde na lan ako kumuha. pro dahel natural na hidhid ang ksama kong si lorraine ay kumuha pa din sha ng t-shirt kahet na nde blue -> e sakto na kulang ang players ng mixed basketball ng red team kaya aun, nahatak shang maglaro hahaha!

meron pa akong nabalitaan na sobrang t-shirt. kulay green… kaso kasalukuyang suot ng pawis na pawis -> ang bangs ng buhok ay nakadikit na sa noo -> mukang may taning na ang buhay -> na si brownie. ipamimigay na lang daw nya ang t-shirt pagkatapos dahel nde nman daw nya kailangan un. kaw vic, baka gus2 mu? ako ayaw. hehe  

“red team bulok! red team lampa!” yan ang sigaw namin ni vic habang nanunuod ng laban ng basketball. ang silbi lan namin dalwa nun sportsfest ay mang-asar ng kalaban, magmaganda at magpa-picture. dapat kasama namin si lorraine, pro katakawan nya kc sa t-shirt kaya aun, nandun sha sa kalaban na team naglalaro ng bastketball hahaha! “keep up da gud work lorraine!” sigaw namin nun nag-attempt sha magshoot ng bola at nde man lang nangalahati sa taas ng ring hahahaha! nde din nman kami marunong maglaro ni vic pro kaya nga nde kami sumali noh! hahaha! saka isa pa, kailangan ng pampalakas ng loob ng blue team – un ang responsibilidad namin dalwa hehe.

pinasok sa kalabang grupo si jolly – ang numero uno na pa-cute, babaero at pogi-pogian sa opis. pro prend ko sha haha! “foul lang ng foul ke jolly! wag kayong matakot – tao yan!” ang banat namin. ang sinagot nya samin ay isang effortless na 3-pointer na swak na swak sa ring. tulala kami lahat. nasambit na lang ng ksama namin na si alex na “mabait talaga si Lord, kung kulang ka sa itsura ay binibigyan ka nman ng talents” hahahaha!

na-inspire si robert sa kagalingang ipinamalas ni jolly kya walang ka-abug-abog ay tumira din sha ng 3-points! un nga lang, nde man lan tumama ni sa gilid ng board nun ring. haha! kakapalan kasi ng apog haha!

sa isang iglap – nagulungan/natapakan/nadaganan si lorraine ni RJ dahel patakbo-takbo sha ng walang direkshon sa court. nde nman kasi sha talaga marunong maglaro in the 1st place haha! “si RJ nananakit ng babae! bakla! bakla!” ka-team namin si RJ pro oks lan un. inaasar lan namin sha. alam nman namin na nde nya sinasadya at tawa-tawa lan nman si lorraine. required kasi na may atleast 2 girls sa line-up kya aun, panggulo ang mga babae dun. Ilag-na-ilag ang mga lalaki na maka-sakit ng babae kya sa tuwing babae na ang may hawak ng bola ay wla kang makikita na lalaking nagbabantay haha!

na-foul si jolly at namimilipit sha sa sakit ng sakong nya. kinailangan na buhatin pa sha ng dalwang lalaki papunta sa gilid dahel nde na sha makatayo. ngunit malas nya kasi habang nire-revive sha sa gilid ng court ay saktong tumira si lorraine at natamaan pa sha sa ulo ng bola hahahaha! gumanti daw ba sa ibang tao?! haha!

dumaan ang maghapon, palipat-lipat lan kami ni vic ng panunuod sa laban ng blue team habang si lorraine ay nahatak na maglaro sa dodgeball, futsal at volleyball hahaha! malas talaga. pagdating ng hapon muka na shang ginahasa ni ulalyo (Ulysses – taga-red team na pawis na pawis din) ng makailang beses at nakapanganak ng apat na baboy dahel sa mukang loshang/laspag na sha. haha!

nagmimirienda kami sa isang tabi nina lorraine ng lumapit si richard gomez. aaaaaaaay, si jeff lan pla… kamuka nya kasi si goma sa biglang tingin -> as in biglaan lang -> mga 2 seconds. Haha! “lorraine, may re-match daw for championship sa lahat ng games” hahahahaha! parang nakita ko sa mga mata ni lorraine na gus2 na nyang maglaslas ng pulso kesa maglaro dahel pagod na talaga sha. hahaha!

mga piling tagpo sa luzon expedition

kun gus2 ñu ng makabuluhang salaysay tungkol sa aming naging lakad sa cagayan-tuguegarao-pagudpod -> un tipong malalaman nyo kun ano ang magagandang sites dun, magkano ang nagastos namin at anu ang mga nirerekomenda naming activities dun -> ung mga tips na magagamit ño kun sakali na pupunta kau dun -> un mga impormashon na makakatulong sa pagpopromote ng WOW Philippines -> pwes, nde ño un mababasa d2 hehehe… punta na lan kau sa http://bleue.i.ph …un ang site nun kasama ko dun sa lakad na si angel hehe. kpag may nabasa kau dun na “we”, un ay pertaining to “angel, mike at suzie” kc nde man lang kame nibanget kahet isan beses dun sa blog nya dahel ayaw ña ata pagkalat na prends kame dahel nahihiya sha hahaha!

so mga nakalap na mga scenes i2 sa tatlong araw apat na gabi na buhay nmin sa pagikot sa luzon dala ang limpak-limpak na halaga (4k na ilang buwan namin ni-ipon at 3k na ni-utang sa paluwagan). *yes, hanep, lakas ng loob magbaka-bakashon tapos utang pala haha!*
Cast of Characters:
mike correa
– (camera man) mtangkad, maitim, kulot… pro pinakamatalino sa magkakapatid na correa
angel juarez – (photographer) matipuno, mapag-ingles, lapitin ng kamalasan
suzie delos angeles – (actress) tao na babae *ata*
Episodes:
ang kambal ng tadhana
pagdating ko sa istashon ng bus, bumulaga saken ang dalwang panget na lalake na may dalang malalaking backpack at naka-opis attire: black leather shoes, black formal pants at blue checkered polo (i-note na parehong pareho ang kulay/tela/size ng mga suot nila na polo). mike at angel, adik ba kau? magbabyahe tau ng mahigit kumulang sampung oras papunta sa tagong-tagong probinsha ng tabuk tapos naka-pormal pa kau?! haha!

mamang busangot at ang langaw sa bus
ang nsa unahan namin ni mike ay walang pakundangan na ni-recline ang kanyang upuan ng halos 180 degrees na ata! nde na kame halos makakilos sa lugar namin.
“kanina pa kayo ah! ang iingay ño!” at sha pa ang may karapatang magalet ng nagchichikahan kame ni mike dahel nga nde kame makatulog sa kondishones naming un. sarap lamutaken ng muka. at pra lalong gawing kanais-nais ang aming gabi ay may batang insekto sa likod: pinaglalaruan ang buhok ko, sipa-sipa sa sandalan at kalabog sa upuan at kumakain pa ng chicharon sa ibabaw ng mga bunbunan namin… nangangate na ako sa mga piraso ng chicharon na nakasabit sa buhok ko. buti na lang walang suka. haha!

sinung bakla?
sa kalagitnaan ng aming rafting ay tumigil kami sa tabi ng isang bato 15feet ang taas (ata). magdive daw kami mula sa taas nun. tapang-tapangan mode ako: potah, e 20ft un dati naming nitalon sa cagayan de oro. sus! sisiw yan! wa-epek! sumakay ka pa!
“BAKLA, BAKLA KA!!! DUWAG!!! WAAAAH BAKLA!!!” sigaw ng mga bata saken pagkatapos ng halos 10 minuto na lumipas sa pagaalinlangan ko sa pagtalon. pagod na at wala ng gana ang mga naghihintay sa pagtalon ko. nagbabasa na ng pocket book si mike (sweet valley high), nagko-cross stitch na si angel at ang mga bata ay naguuwian na.

tumalon din ako pro deadma na sila.

anung hugis?
may isang malaking batong hugis isdang galunggong sa may pampang… sabi ni angel nde daw hugis isda… hugis ano daw… baka daw kay maria clara un natanggal… hulaan ñu kun ano naisep nya. basta tandaan na si angel ay tulad ng isang higad na nakapatong sa dahon ng gabi na may bungang-araw.

mahiwagang blue cartolina
sa dyip ay may isang matandang babae. un itsura nya ay ung tipong tribal elder na punong-puno ng wisdom at kinokunsulta ng mga natives pag gus2 nila makontact ang mga anito. nakamasid lang sha ng tahimik habang maingay na naglalaro ang mga bata sa dyip ng biglang PAAAAAAAAK!!! PAAAAK!! PAAAAAAK!! makailang beses na mabilis na humagipit sa ulo ng isang batang maligalig ang rolyo ng blue cartolina na nakapatong lang kanina sa mga carton sa dyip. gulat na gulat kame ng makita namin ang matandang babae hawak-hawak ang cartolina habang nakatingin ng galit sa bata. nakakaawa ang bata pero… natawa kami… nakakatawa kasi ang sobrang pagkabrutal ng matandang babae. haha! tumingin sha sa aming grupo, hawak pa din ang cartolina, tila nagsasabi na “baka gus2 ño na kau ang sumunod” kaya tumahimik na kame. tinanong nya ang isang apat na taon gulang na batang babae sa harap nya. nde sumagot ang bata, nde ata nadinig. PAAAAK!!! PAAAAK!! PAAAAAK!! hampas ng cartolina sa ulo ng bata. *kakatakot*
OP issue
mahilig kami kumanta. wala kaming pakialam kun nawiweirduhan na samin ang mga tao sa paligid o kun nag-ngingitngit na sila dahel nde nman kami magaling -> lalo na cguro dahel ang hilig pa namin kantahin ay choir songs (peborit namin ang alelua ni ryan cayabyab) -> ung tipong may voicing pa kameng nalalaman (ako ang soprano, angel ay tenor at mike ay bass). pro dahel sa nde na ako taga-PAL, nde ko na alam ang mga bagong kanta nila. kaya aun, nde ako makasabay sa kanta ni mike at angel… i felt so alone… hence… na-OP ako… *hahaha! biro lan, uso lan kc ang OP-OP kya naisep ko na dat may tagpo na ganun sa lakad namin hahaha!*
sinumpang tsinelas
asar na asar na saken ang mga kasama ko kc lagi daw ako naka-clogs (high heeled shoes). kaya islander tsinelas na lang ang nidala ko sa hike-pasyal namen sa pagudpud na pinagmamalaki ko pa na matibay dahel college ko pa ang mga un. sakto, pagkasabi ko nun, napigtal ang isa dun sa pares! waaaah! kaya nag-apak na lang ako at nidala ko na lan ang mga tsinelas. at faster than a speeding bullet ay dumating si superman – si angel – binigay nya saken ang tsinelas nya at nag-apak habang pabulong-bulong “wala ka ng ginawa kundi pahirapan ako” hahahaha! kc pangalawang beses na shang nag-apak pra saken simula ng nakilala ko sha. *bait-bait*
nun nandun na kami sa beach, suot ang bago kong beachwalk tsinelas na nabili ko ng 75php dun, biglang nitangay ng malakas na alon ang isang pares! waaaaaaaaaaah! inis na inis na nilusob ni mike ang dagat pra abutin ang tsinelas ko. nde nya napansin na may papadating na malaking alon na doble sa taas nya! sumigaw ako sa takot pro nde nya ako nadinig at wlang pakundangan na nilamon ng malaking alon si mike. ilang segundo pagkatapos, hinagis si mike sa pampang ng alon (ayaw cguro sa kanya) at galit na galit din nyang nihagis ang tsinelas ko sa malayo – “AYAN! BWISET YANG MGA TSINELAS MUNG YAN AH!!!” hahahaha! (wag kau mag-alala, sa pampang lang lahat nangyari itu…)