nde ko alam kun bakit may pagka-humaling (ang term na gagamitin ko sana ay pagka-“hayok” dahel ang ibig sabihin nman talaga nun ay “weak with hunger”. pro nun sinabi saken na generally “hunger of the flesh” ang nipe-pertain nya e sabi ko wag na lang…pagka- “humaling” na lang ang gagamitin ko ehehehe. wholesome tau duh!)
ulet direk.
nde ko alam kun bakit may pagka-humaling ang mga tao sa beer. nde nman masarap kundi mapait. nakakahilo pa. nakakasuka. nakakalaki ng tyan. nakakadilaw ng ngipin. nakakasira ng atay. mabaho ang amoy. (pakibaba ang kilay ng mga lasengo na bumabasa neto. buhay ko to)
ska bat pa magpapaka-hirap sa pag-toma e mas masaya kaya manuod at maaliw sa mga taong halos wla na sa sarili dahel sa kalasingan? Ahehehe… kun meron mang silent agreement ang samahan ng mga sunog-baga sa mundo na bawal ipagkalat ang anumang naganap o napag-usapan sa loob ng inuman sessions ay sori na lan dahel nde ako covered nun dahel nde nman ako umiinom. immune ako. kaya keri ko na magkwento ng mga bagay-bagay… inom-inom kau na para bang walang bukas tas hiya-hiya kau pag may nagawa kaung nakakahiya pagkatapos. hanobayun?! haha! (pro kun iisipin, either un nga – may code of sworn secrecy o nde lan talaga nila maalala ang mga ginawa nila dahel sa sobrang intoxicated sila nun mga oras na un kaya nde din nila mapagkwentuhan after)
kaya ako na lang ang maglalahad ng mga pangyayari… ako at si lorraine na nanatili sa tamang pag-iisip nung buong gabi… nde alintana ang mga naka-ambang panganib at pagsubok… eto ang kwento ng masalimuot na gabing yaon….
alas-diyes imedya nagla-lap dance na si vic sa upuan. tinanggal na ang t-shirt na basang-basa ng pawis at todo emote sa pagpapa-ikot nito sa ulunan nya na para bang rodeo rope. sinayawan na din nya ang lahat ng mwebles sa sala (i.e. lamp shade, tv, coffee table, sala set, etc) maging ang mga halaman sa paso at ang nananahimik na kurtinang nakasabit sa may bintana ay walang kawala. taimtim kaming nanonood sa kanya dahel nakaharang sha sa bideoke. no choice. pero nde sha lasing. nahihilo lang daw.
ang katabi kong si rome ay nagmamakaawa ng tapusin ko na ang buhay nya sa mga oras ding yon dahel sa nasasaksihan nyang performance ni vic. nde na daw nya kaya ang mga nagaganap. nde namin sha pinansin. bka in-denial lang sha dahel tumutungga ng vodka na walang chaser ang mokong.
sa isang sulok – sa lover’s lane – ay nakapila ang mga tambalang: eric-jen, vhon-maui at arvin-mk. pinakiusapan silang wag gumawa ng anumang makaka-walang respeto sa pagkain na nsa mesa malapit sa kanila dahel kakainin pa ang mga yon sa umaga. “if a picture paints a thousand words, then why can’t I paint you?” biglang birit ng isang dalaga sa bideoke… ng tinitigan namin kun sino… si vhon pla… falsetto ang walah!
sa kasagsagan ng gabi, mahigpit na ipinagbawal na magsindi ng sigarilyo sa loob ng kwarto at baka magliyab na lang isa-isa ang mga tao sa dami ng ga-as na nainom nila.
ang nagpipiling-feelingan na rockstar na si jonar ay walang kapaguran sa kakangawa sa mikropono – nde pansin ang basang-basang t-shirt ni vic na napadpad sa bunbunan nya matapos na i-paghagisan at pagpasa-pasahan ito ng mga tao sa sala. bagamat namaos-maos na sha sa kaka-sigaw ay wla nmang nakaintindi ni-isa sa mga kinakanta nya dahel ang nadidinig lang nmin ay puro “ña-ña-ña-ña-ña…” (bulol hehe)
Suzie: “oie robert, bali para magkasha tau lahat memya sa kama, pa-halang na lang ang pag-tulog ha, kahit lampas na lang ung paanan naten basta ung ulo na lang ung sa may kurtina…”
Robert: “pero suzie, basa ang carpet sa kwarto… kahet tingnan mu pa… kapain mo pa.”
Suzie: “hindi nga sa carpet, pagkakashahin nga sa kama kaya kelangan pahalang ung pag-higa naten nina Rome at Lorraine…”
Robert: “tanggalin mo sapatos mo tas makikita mo nga na basa ung carpet!”
Suzie: “hindi nga sa carpet kundi sa kama matutulog!”
Robert: “halika tingnan naten, basa nga sabi e!”
***gusto ko na sanang hampasin ng bote ng beer sa ulo o kaya busan ng isang balde ng malamig na tubig (galing sa kanal) si robert pra mawala ang amats nya pro tinamad ako kaya hinayaan ko na lang sha sa kanyang sariling mundo kun saan sha lang ang nakakaintindi sa sarili nya***
wlang alinlangan na papansin at epal etong si lorraine dahel nagpupumilet ba nmang umuwi ng ala-una ng umaga! sinabi ng gabi na at wala pang kuryente sa buong kamaynilaan, naglalaglagan at sumasabog na lahat ng billboards sa kalsada dahil sa lakas ng hangin tapos baka magdeclare pa ng martial law dahel nga brownout (panic na itu) tas nagpupumilet pa shang umuwi. ki-re talaga! kaya pinaki-usapan ko ang kasalukuyang lulutang-lutang ang pag-iisip na si rome pra kumbinsihin si lorraine na wag ng umuwi. doon na nagsimula ang mahigit-kumulang na limang dekada ng masinsinang pakikipag-diagolo, matinding pakikipag-patintero at makapag-damdaming drama-rama ng dalwa sa kwarto, sa sala, sa kusina at sa lahat na siguro ng sulok at kanto ng apartment. walang pasubali, bigla na lang tumakbo si lorraine palabas ng bahay ng walang pasabi para lang maka-alpas sa bitag ng makulit na lahi ni rome.
“suzie paki-usap, wag mu payagan umuwi si lorraine! wag… Wag… WAG…” mangiyak-ngiyak si rome habang hinahabol namin pababa ng hagdanan si lorraine.
ang ending –> nakauwi din si lorraine. kinailangang igapos si rome sa puno, talian ng panyo sa bibig at painumin ng lysol (oa na) pra maisagawa itu…
parang binagsakan-ng-langit/lupa/impyerno/galaktika/milky way ang muka ni rome pagbalik sa apartment dahel nde sha nagtagumpay sa pagkumbinsi kay lorraine na wag ng umalis kya naisipan nyang yayain kami ni mk na ipagpatuloy ang inuman. pinanuod ko lang ang dalwang lasenggong nagtatalo hanggang umaga tungkol sa kung anumang makabuluhang bagay (na nde ko maikwento dahel tungkol sa work – think secure!). dahel sa inaantok na ako, ang naintindihan ko lang ay ang mga katagang makailang beses binigkas ni rome na punong-puno ng conviction ang kanyang mapulang muka “basta ang hiling ko lang sa inyo ay magtulong-tulong tayo… un lang… un lang please…un lang ang kailangan naten…”
mahabagin ang langit at natapos din ang diskushon ng dalwa. habang nagtu-tutbras ako may isang mahiwagang tinig na umalingaw-ngaw sa kamalayan ko “basta ang hiling ko lang sa inyo ay magtulong-tulong tayo… un lang… un lang please…un lang ang kailangan naten…” NGEEE!!! Si rome pla buhay pa… pilit sumisingit sa lababo habang nagtutubras ako….
“basta ang hiling ko lang sa inyo ay magtulong-tulong tayo… un lang… un lang please…un lang ang kailangan naten…” habang naghihilamos ako….
“basta ang hiling ko lang sa inyo ay magtulong-tulong tayo… un lang… un lang please…un lang ang kailangan naten…” sa ilalim ng kumot nung akala ko na matutulog na kameng lahat… nde pa pala…
“basta ang hiling ko lang sa inyo ay magtulong-tulong tayo… un lang… un lang please…un lang ang kailangan naten…” mahinang bulong sa kalagitnaan ng mga panaginip ko…
Zzzzzzzzzzzzz…
robert ay nagsabi,
Oktubre 11, 2006 Sa 9:02 umaga
Wahahahaha…..mga lasing talaga…paulit-ulit ang sinasabi at malalayo ang mga sagot hehehehe……Idagdag pa dyan ang malikot na pagtulog ni rome…halos madurog ang binti ko dahil sa pagkakadagan ng binti ni rome..kaya minabuti ko na lang na matulog ng nakatagilid habang si suzie ay abut-abot ang talukbong ng blanket at pinaibabaw ang unan sa ulo nya dahil ayaw nya siguro ng amoy lasing or maaksidenteng yakapin ni rome hahahaha……..buti na lang kahit kapirasong retaso ng blanket ay umabot pa ako hahahaha…….Isama mo na rin suzie ito: Nung nakasalubong ko si jonar at papunta sya ng lababo, muntik nya na akong mabangga…akala ko naman, binibiro lang ako ng pobre….hanggang mapansin ko na iikot-ikot na ang mga mata nya wahahaha….lasing na pala!!!!!! Random ah not alternate nyahahahaha……..
suzie ay nagsabi,
Oktubre 11, 2006 Sa 9:16 umaga
hahaha! dalwa na nga lang ang unan ni-bakaw ko pa daw un isa hehe! e kc nde ako makatulog dahel ang ingay ni rome e kya nagtalukbo na ako haha! saya-saya ng gimik naten! dat maulet un!
dasphynx ay nagsabi,
Oktubre 11, 2006 Sa 9:32 umaga
winner ang script..obviously ayaw mo sa beer..try mo minsan masarap naman weh..masaya ung filing na matutulog ka na lng sa hilo at gigising kinabukasan na…hilo pa din hehehe…salamat tsong naaliw ako sa komiks mo..tiyak kong matutuwa nito sa rome at may nakapagsulat ng mga alaala nya
‘tulong-tulong lulutang-lutang’ weheheheh
asdasdas ay nagsabi,
Enero 31, 2007 Sa 7:43 hapon
asdasdasdas