sabi ng iba, ung mga tao na sobrang msayahin – ang totoo dw – pg wla ng ibng tao na nakakakita, e malungkot dw talaga sila… nagpapanggap lang daw na masaya pra nde mahalata ng mga tao na madami silang dala-dalang problema… totoo ba un?
*** may isa akong prend na sobrang nakakatuwa – si angel. wla shang kagalit, lahat ng tao mahal sha. lagi nyang pinapatawa mga ksama nya san man sha magpunta. mgaling sha sa halos lahat ng bagay. lahat ng gus2 nya mangyari sa buhay nya mukang unti-unti ng nangyayari. humahanga ako sa kanya. mahilig sha sa mga sunsets. pg may mga expedition kame sa ibat-ibang lugar sa Pinas, nde peding nde namin hihintayin ang paglubog ng araw pra makuhanan nya ng picture. “one loves the sunset when one is sad”sabi nya totoo dw un. nde ko pa naitatanong kun bakit. nde din nman nya siguro sasagutin.
*** si mike ang taong dahel sa sobrang galing ng sense of humor e sasakit ang panga mo sa kakatawa. pagnagku-kwentuhan kame, madalas, ang madidinig mu lang, ay mahahabang-malalakas na tawa, mga sentences na nde matapos-tapos kc puro tawa o kya kaming dalawa nakahawak sa mga tyan namin at kulang na lang e gumulong-gulong sa sahig dahel sa kakatawa. ang bilis bilis nya makaisip ng mga hirit. kala mo wla shang ibang gawain sa buhay kundi magpatawa.
pro nde nman lahat ng oras puro ganun. may mga panahon na nde sha makausap ng maayos na tila ba pasan nya ang daigdig. kabado sha sa mga bagay-bagay. parang takot na takot. parang dalwang magkaiba na tao.
*** nde mu malalaman kun kelan galit na si bel. smiling face kc un. ska kahet na nang-gagalaite na sha, maayos at nakangiti pa din sha. nde sha orocan (plastik) na tao. happy lan talaga ang disposishon nya sa buhay. kahet na pag nahihirapan na sha sa trabaho, relaxed pa din ang ichura nya. smile-smile pa din. pero nun papaalis na sha sa PAL(dun sha nagwork ng 5 taon), isang buwan shang iyak ng iyak. tanungin mu lang kung saan sha pupunta na work e mabilis ng magpupunas-punas ng mata – un pala umiiyak na sha nun at memya ng konte ay humahagulgol na.
***si rome nman ang bershon ni mike d2 sa opis. lakas manggatong, mang-asar at mang-trip neto. paghumiret sha, mga ilang minuto kami tawa ng tawa hanggang sa sumakit mga panga naming lahat. pati ung inaasar nya natatawa din. mahirap magalet sa taong ito. kahet na anu pa ang sabihen nya sau na pang-aalaska, matutuwa ka pa lalo sa kanya imbis na magalet. pero nung isang buwan, nalaman ko na nasa ospital ang nanay ña, kakalibing lang ng lola ña at ang tatay ña ay inatake sa puso dahel sa stress. lahat ng yan, nangyari sa loob ng isang buwan. at para lalong pahirapan pa sha, nagbaha pa sa lugar nila kya nabasa ang madami nilang gamit sa bahay. nde ko pa malalaman lahat ng ito kun nde sinabi ng isa pa nming opism8. nde mu kc mapapansin sa kanya. wlang kahit anong bahid ng lungkot at wlang tigil pa din ang mga patawa nya. nde ko alam kun tao bas ha o bato.
*** maraming nagulat nung isang araw nun nakita nila ako na umiiyak sa may corridor ng ke-aga-aga nung tuesday. naisep nila na siguro sobrang laki ng problema ko dahel nde daw nila ma-imagine na nalulungkot ako – ever. lagi daw kasi ako masaya, pakalat-kalat na para bang walang iniintindi na trabaho, laging nakangiti pag umaga na para bang ang pinakamasayang peding mangyari sa buhay ko ay ang pumasok sa opis. ang totoo… ngumingiti ako palagi dahel sayang ang malaking halaga na nibayad ko sa braces ko. beauty is measured in smiles.
serious mode: masaya talaga ako everyday… dahel… dahel wla lang. korni man o mejo abnoy kun iisipin: masaya ako dahel alam ko na may masayang mangyayari sa araw na un. masaya ako dahel feeling ko may bagong magaganap… nde ko alam kun ano, basta feeling ko dat mag-expect ako ng something unbelievably great to happen any moment within the day…. baka mamimeet ko na ang destiny ko! hehehe… weird ba? pwes,wla akong pakealam. at kapag nalungkot ako… nde dahel grabe ang problema ko o parang the end of the world na: nalulungkot ako kc may nangyaring nakakalungkot… doesn’t matter if sobrang serious (family problem) or sobrang walang kwenta (makulim-lim kya nakaka-down)… nalulungkot din ako kc tao ako. nakakaasar na i-accuss ang taong 2lad ko na nagpapanggap lang na masaya… wla ba kaming karapatan na magpahinga for a while sa pag-eentertain ng mga tao and to just be quiet? na mag-wallow sa sarili naming sadness kesa magpasaya sa mga prends na problematic? na mag-react naturally sa isang bagay na nakakalungkot nman talaga? ang daya. just because kami ung mga tao na masaya ang tingin sa halos lahat ng aspeto ng buhay e nde ibg sabihin na nde kami nalulungkot o nagagalit o napapagod…
lorraine ay nagsabi,
Oktubre 2, 2006 Sa 5:55 hapon
Hello Ganda… Ganyan talaga! Di bale, maganda ka pa rin kahit pulang pula ung mga mata mo…hehehe…
lorraine ay nagsabi,
Oktubre 2, 2006 Sa 5:59 hapon
Ayan meron ng comment ang sobrang madrama na entry mo… Hehehe…
lorraine ay nagsabi,
Oktubre 2, 2006 Sa 6:03 hapon
Post ka ng bago ha… ung outing natin ng last saturday… hehehe
suzie ay nagsabi,
Oktubre 2, 2006 Sa 9:48 hapon
huwaw! ang nag-iisa kong taga-hanga -> si lorraine hahahaha! grabe, napansin mu ba ang time stamp ng msg ko na itu ah?! 9:47PM!!! at nand2 pa din ako sa opis!! WAT A LOSER?!!!
boset… masaket pa lalamunan ko… ayus un tiba? may sakit ka tas ang dae work… wat more could i ask for???? ehehehehe
mabuhay ang mga yuppies!!!
tao ay nagsabi,
Oktubre 2, 2006 Sa 9:56 hapon
umuwi ka na utang na loob!!!
babycake hehe ay nagsabi,
Oktubre 3, 2006 Sa 8:43 umaga
nakakaaliw ang blog mo! hehe napatawa mo ko… pagpatuloy mo lang…
ride ay nagsabi,
Oktubre 3, 2006 Sa 11:06 umaga
elo.. sikat na kau. nakita ko sa google ang site nyo..
suzie, i like your post. minsan totoo naman na ang tingin ng iba walang karapatan malungkot ang mga masayahin tao. minsan they would take it lightly pa na umiiyak ka na, inaasar ka pa. hehe.
pero ganun po talaga minsan. intindihin na lang natin ang isa’t-isa.
peace! lotlot and friends rule! :Þ
suzie ay nagsabi,
Oktubre 3, 2006 Sa 1:15 hapon
oie! salamat sa pagdalaw/pagpost ride
ehehehe… ngaun na nabasa ko ulet tong blog ko naiines ako kc ang drama! ahehehe! minsan kelangan talaga magdrama pra mataas ang rating haha!
mabuhay ang mga jologs.
bow.
ride ay nagsabi,
Oktubre 4, 2006 Sa 10:59 umaga
haha! same feeling. gnyan din ako kapag nabasa ko din ung mga kung anu anu dramang sinusulat ko..
manood nlang kau ng shaolin soccer bukas para meron kau magawa.. :Þ
robert ay nagsabi,
Oktubre 6, 2006 Sa 10:43 umaga
Ganyan naman yan si suzie eh…maraming napapatawa yan pero marami ring nagpapaiyak dyan nyahahaha….magaling daw ako mag-massage..pano nya kaya nalaman yun hehehehe..fish
juanaekis ay nagsabi,
Nobyembre 12, 2007 Sa 9:32 hapon
true, I believe. Though, we can’t really say that everyone who is happy on the outside is in reality sad. It is possible that he/she is just plain happy. And when one is happy, it shows ^__^
Rastaman_who_is_tired_of_life ay nagsabi,
Nobyembre 9, 2008 Sa 12:26 hapon
one loves the sunset when one is sad < ganun ba yun ? kaya pala ..
napatawa ako dun sa part nung nag baha ung bahay ng friend mo. anyway, kaya nakita ko ‘tong blog na ‘to dahil .. pagod na pagod na ko sa buhay ..
araw-araw parepareho tapos, graduating na ako ng high school wala na mga kaklase ko lalong magiging malungkot tapos ung pinakamahal ko pang tao uuwi ng Bicol .. tapos nakakabaliw mag tsongke .. kung anu-anong naiisip ko .. panu ba maging masaya ?