opis sportsfest

ayaw ko sa sports. nun grade4 kc ako, may intrams sa skul namin at ako ang last shot na nagpatalo sa volleyball team namin. pagkatapos ng tira ko na outside (tumama ang bola sa labas ng court) dinig ko ang mga ungol ng teammates ko. at shempre, galit sila saken lahat. nde ako pinapansin at naka-angil pa pag napapadaan ako sa corridor. pro grade 4 pa kame nun. move on. haha!

ayaw ko talaga sa sports. pero nde ako tatangi kun kukunin akong muse o kaya cheerleader haha!

so sa sportsfest sa opis nung sabado ay sa cheering ako sumali. taga-sigaw haha! late na kami nakarating sa club650 sa libis kaya wla na kaming libreng t-shirt. color red na lan ang sobra e pro blue team ako kya nde na lan ako kumuha. pro dahel natural na hidhid ang ksama kong si lorraine ay kumuha pa din sha ng t-shirt kahet na nde blue -> e sakto na kulang ang players ng mixed basketball ng red team kaya aun, nahatak shang maglaro hahaha!

meron pa akong nabalitaan na sobrang t-shirt. kulay green… kaso kasalukuyang suot ng pawis na pawis -> ang bangs ng buhok ay nakadikit na sa noo -> mukang may taning na ang buhay -> na si brownie. ipamimigay na lang daw nya ang t-shirt pagkatapos dahel nde nman daw nya kailangan un. kaw vic, baka gus2 mu? ako ayaw. hehe  

“red team bulok! red team lampa!” yan ang sigaw namin ni vic habang nanunuod ng laban ng basketball. ang silbi lan namin dalwa nun sportsfest ay mang-asar ng kalaban, magmaganda at magpa-picture. dapat kasama namin si lorraine, pro katakawan nya kc sa t-shirt kaya aun, nandun sha sa kalaban na team naglalaro ng bastketball hahaha! “keep up da gud work lorraine!” sigaw namin nun nag-attempt sha magshoot ng bola at nde man lang nangalahati sa taas ng ring hahahaha! nde din nman kami marunong maglaro ni vic pro kaya nga nde kami sumali noh! hahaha! saka isa pa, kailangan ng pampalakas ng loob ng blue team – un ang responsibilidad namin dalwa hehe.

pinasok sa kalabang grupo si jolly – ang numero uno na pa-cute, babaero at pogi-pogian sa opis. pro prend ko sha haha! “foul lang ng foul ke jolly! wag kayong matakot – tao yan!” ang banat namin. ang sinagot nya samin ay isang effortless na 3-pointer na swak na swak sa ring. tulala kami lahat. nasambit na lang ng ksama namin na si alex na “mabait talaga si Lord, kung kulang ka sa itsura ay binibigyan ka nman ng talents” hahahaha!

na-inspire si robert sa kagalingang ipinamalas ni jolly kya walang ka-abug-abog ay tumira din sha ng 3-points! un nga lang, nde man lan tumama ni sa gilid ng board nun ring. haha! kakapalan kasi ng apog haha!

sa isang iglap – nagulungan/natapakan/nadaganan si lorraine ni RJ dahel patakbo-takbo sha ng walang direkshon sa court. nde nman kasi sha talaga marunong maglaro in the 1st place haha! “si RJ nananakit ng babae! bakla! bakla!” ka-team namin si RJ pro oks lan un. inaasar lan namin sha. alam nman namin na nde nya sinasadya at tawa-tawa lan nman si lorraine. required kasi na may atleast 2 girls sa line-up kya aun, panggulo ang mga babae dun. Ilag-na-ilag ang mga lalaki na maka-sakit ng babae kya sa tuwing babae na ang may hawak ng bola ay wla kang makikita na lalaking nagbabantay haha!

na-foul si jolly at namimilipit sha sa sakit ng sakong nya. kinailangan na buhatin pa sha ng dalwang lalaki papunta sa gilid dahel nde na sha makatayo. ngunit malas nya kasi habang nire-revive sha sa gilid ng court ay saktong tumira si lorraine at natamaan pa sha sa ulo ng bola hahahaha! gumanti daw ba sa ibang tao?! haha!

dumaan ang maghapon, palipat-lipat lan kami ni vic ng panunuod sa laban ng blue team habang si lorraine ay nahatak na maglaro sa dodgeball, futsal at volleyball hahaha! malas talaga. pagdating ng hapon muka na shang ginahasa ni ulalyo (Ulysses – taga-red team na pawis na pawis din) ng makailang beses at nakapanganak ng apat na baboy dahel sa mukang loshang/laspag na sha. haha!

nagmimirienda kami sa isang tabi nina lorraine ng lumapit si richard gomez. aaaaaaaay, si jeff lan pla… kamuka nya kasi si goma sa biglang tingin -> as in biglaan lang -> mga 2 seconds. Haha! “lorraine, may re-match daw for championship sa lahat ng games” hahahahaha! parang nakita ko sa mga mata ni lorraine na gus2 na nyang maglaslas ng pulso kesa maglaro dahel pagod na talaga sha. hahaha!

Mga Puna

  1. suzie ay nagsabi,

    Setyembre 18, 2006 Sa 4:04 hapon

    ang gulo mung babae ka?! san ba talaga ate?! *testing lan kun gumagana weh*

  2. bleue ay nagsabi,

    Setyembre 19, 2006 Sa 1:05 hapon

    huwaw! kinacareer na din! kakaadik no? ganda ba sa bloggoing, pinag-iisipan ko na kasi lumipat ng provider! hehe!

  3. lorraine ay nagsabi,

    Setyembre 19, 2006 Sa 8:07 hapon

    Bakit mo ako tinitira dito? Wala ka ng ginawa sa office buong araw. Eto ba ang ginawa mo ng 8hrs??????????? haha!

  4. kewl kewl ay nagsabi,

    Setyembre 21, 2006 Sa 3:14 hapon

    Bakets wiz ang kwentas ng mother nature team dito? Hindi metch nman nagkwento! Magchismax ka naman ng something interesting hindi lang kay Lorraine gurlalou bekish. (plus Jolly) In furness, natawas nman aketch sa nabasa moi. Keef up the gud word… work :)

  5. kewl kewl ay nagsabi,

    Setyembre 21, 2006 Sa 3:19 hapon

    Baket wiz kwentas ang mother nature team ditae? Puro Lorraine and stuffs naman eh. Magchismax metch nang interesting ikaw okay? bakit, shonget ever na ang Lola after ng todos los santos games sa club650?

    Magchismax ka din ditae sa office. You know, the populars… hehehe

    echorsz ever lang, awkie? muahchibelles!

  6. Ganda ay nagsabi,

    Setyembre 22, 2006 Sa 6:02 hapon

    Sino po ba c Brownie? At parang diring – diri ka sa kanya… hehehe…

  7. Ganda ay nagsabi,

    Setyembre 22, 2006 Sa 6:04 hapon

    Sino po ba c Brownie??? at parang diring diri ka sa kanya… hehehe…

  8. suzie ay nagsabi,

    Setyembre 22, 2006 Sa 6:46 hapon

    hahaha! nde nman ganda… sweet nga ang “brownie” tiba? chocolatey! hahaha! …prend nmin yang si brownie… ka-group namin sha d2… sha un pinaka-malakas ang dating haha! kilala mu na?Ü

  9. robert ay nagsabi,

    Oktubre 6, 2006 Sa 5:37 umaga

    Oist, tinitira mo ko ah……..eto ba ginagawa mo sa office for 8 hours daily….Makontak nga si Mama Ann Galura hehehe… Pagpasensyahan nyo na yan si Suzie kasi kaya nagkakaganyan yan ay dahil sa sobrang pressure sa work…Kung di pa nga ako pupunta sa area nya, di yan matatawa hehehe…Request lang po, medyo di ko na nagugustuhan yung pagtawag ng “Brownie”…naiirita na rin kasi ako..may real name naman po ako eh..

  10. suzieee ay nagsabi,

    Oktubre 10, 2006 Sa 8:48 hapon

    aba! it’s an honor! dumalaw ang sikat na sikat na si robert haha! bat ayaw mu ng brownie? cute nman ah hehe

  11. solidjeff ay nagsabi,

    Oktubre 11, 2006 Sa 3:28 hapon

    Hindi c richard gomez kmukha ko, c brandon boyd ang khawig ko…

  12. bleue ay nagsabi,

    Oktubre 11, 2006 Sa 10:55 hapon

    hakhak! bakit ikaw ang hahaba na ng mga comments? kakatawa yung kewlkewl, bading na bading! cno ba yun? ni tag kita pero di mo pa din ginagawa? sagada na tayo please! waaahhh!

  13. tagcy ay nagsabi,

    Nobyembre 18, 2006 Sa 9:51 hapon

    away away na to….

  14. suzie ay nagsabi,

    Nobyembre 27, 2006 Sa 8:38 hapon

    hi tagcy hehe… in da spirit of christmas e -> peace on earth! :-D kalimutan na muna ang mga hidwaan at patagisan… tas balik na ulet sa away-away pagkatapos ng 3kings hahaha!

    boset,dae ko gus2 i-post ala lan talaga oras weh…

  15. -ervin- ay nagsabi,

    Nobyembre 29, 2006 Sa 11:32 umaga

    hi. came across your blog while surfing the net. and 2 things i want you to know:
    first, you write good. the narratives, the stories are so down to earth, and nakakaaliw. di siya nakakatamad basahin. 2nd, ur layout and the overall look of the page is nice-refreshing to the eyes ika nga. amazing. keep it up!

  16. suzie ay nagsabi,

    Nobyembre 29, 2006 Sa 11:39 umaga

    hahaha! talaga lang ervin ah? stir? haha! :-D
    salamat, salamat sa mga papuri hehe… nde ako down-2-earth, likas lang talaga akong jologs hehe! un theme/look netong blog e itu na kc un nde mshadong ma-fru-fru sa mga options nila sa wordpress kya sha nafili ko hehe…

    pre babasahin ko blog mu, salamat sa pagpost! :-D

  17. -ervin- ay nagsabi,

    Nobyembre 29, 2006 Sa 12:53 hapon

    amazing. u reply fast. aniwei thanks for the comments. hope ur ok.

  18. karen ay nagsabi,

    Disyembre 16, 2006 Sa 4:37 umaga

    hay grabee, wala talagang kakupas-kupas tong si suzie..:) d best ka tlaga!:D

  19. suzie ay nagsabi,

    Disyembre 18, 2006 Sa 10:15 umaga

    karen! hahaha! potah nde na ako nakaka-YM sau weh, sensha na po ngarag! sana makapagsine nman tau minsan nina notnot! san ka na nga pla nagtatrabaho ngaun?


Magpaskil ng Puna